Local News

Giyera Kontra-Facebook, Dineklara ng Gobyerno ng Thailand – Techwire Asia

Base sa ulat ng Techwire Asia, naghain ng kaso ang gobyerno ng Thailand laban sa mga social media conpanies na nag-o-operate sa knilang bansa.

Isa sa mga kinasuhan ay ang Facebook matapos hindi sumunod sa patakaran itinakda ng kanilang hukuman.

“We’ve notified the companies and sent them warnings twice, but they haven’t complied with all the requests… This is the first time we’re using the Computer Crime Act to take action against platforms for not complying with court orders… Unless the companies send their representatives to negotiate, police can bring criminal cases against them. But if they do, and acknowledge the wrongdoing, we can settle on fines,” sabi ni Thailand’s Digital Minister Puttipong Punnakanta.

Hindi na idinitalye ng opisyal ng Thailand kung ano ang kasalanan ng socialmedia companies. Ang Thailand ay kilala sa pagkakaron ng batas kung saan pinagbabawal na insultuhin ang monarkiya nito.

Magugunita na nitong umpisa ng linggo ay nagbanta naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapatigil niya ang operasyon ng Facebook dahil sa pagtanggal nito sa page ng Advocacy Group ng gobyerno, Ang Hand Off Our Children o HOOC. Ang HOOC ay samahan ng mga magulang na nawalan ng anak dahil sa kakagawan ng mga rebeldeng makakaliwa.

“Itong Facebook naman, pati ‘yung advocacy ng gobyerno, tinatanggal. So what’s the purpose of you being here? We allowed you to operate here, hoping that you could help us also.. Now if the government cannot advocate somthing which is for the good of the people, then what is your purpose here in the country,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Source: Tech Wire Asia

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: