Local News

Globe at Smart, Nagbabayad umano ng 200 Million sa NPA kada Taon! Ka Eric, Ibinunyag ang Lahat sa Senado!

Sa kanyang pagharap sa senado ukol sa hearing sa “red-tagging”, binunyag ni Jeffrey Celis aka Ka Eric na nagbabayad ang Globe at Smart sa New People’s Army (NPA) ng aabot sa 300 hanggang 400 million kada taon. Ito ay upang hindi wasakin o pasabuginng gma bandidong komunista ang mga cell sites ng mga naturang telcos.

Si Ka Eric ay dating NPA at ngayo’y nagbabagong buhay sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga kabalbalan ng mga rebeldeng komunista.

“Ang message ko lang is very clear. Magandang pagkakataon ito upang mag-unite ang buong bayan, ang gobyerno, ang senado, ang kongreso, ang executive and even the judiciary for us to stand against the CPA-NPA-NDF. From a perspective of a former a cadre, ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They can not overthrow the government but they can make Smart and Globe pay 200 million and more every year, combined. Is that not a threat? They can make 300 to 400 million from the NGO racket and they can make triple A contractor,” sabi ni Ka Eric.

Matapos ibunyag ni Ka Eric ang kaniyang rebelasyon ay nagsalita si Senador Ping Lacson at sinabing “open secret” ang mga isiniwalat ng dating NPA cadre.

Binuking din ni Ka Eric na ginagawa ang pagbabayad sa mga komunista sa pamamagitan ng money transfer sa labas ng bansa. 40% daw ng koleksyon ay napupunta sa central committee, 60% naman ay sa regional committee. May napupunta din sa The Netherlands at hindi bababa sa 50% ang nareremit kay Joma Sison.

Source: Senate Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén