Local News

GMA, Maaring Maparusahan dahil sa Aksidente kay Eddie Garcia ayon sa Gobyerno!

Ayon kay Department of Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring maparusahan ang GMA Network dahil sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia habang nagte-taping sa programa nito sa naturang istasyon.

Magugunita na napatid si Garcia at nnabali ang leeg nito sa taping ng kanyang programa sa GMA. Na-comatose si Garcia na halos 2 linggo bago ito pumanaw sa edad na 90-anyos.

Tinitignan na daw ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) ng Labor Department ang on-set practices ng TV station.

“Under the Occupational Safety and Health (OSH) Law, kailangan merong [you need to have an] OSH officer in every establishment. You make the workplace safe and compliant with health standards,” sabi ni Secretary Bello.

Posible daw na masuspindi ang operasyon ng himpilan o di kaya ay pagmultahin ng P100,000 kada araw ang kumpanya.

Kung mapapatunayang may pagkakasala ang himpilan ay pwede itong makasuhan kahithindi maghain ng reklamo ang pamilya ng aktor.

Hindi na muna nagkomento ang GMA sa isyu. Pero noong Hunyo 10, sinabi ng istasyon na sinusuri nila kung bakit walang medical team habang nagshu-shooting ng kanilang programa.

“It has been the network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs,” pahayag ng GMA.

Source: CNN Philippines | CNN Philippines’ Facebook Page

Leave a Reply

Theme by Anders Norén