Local News

GMA7 Analyst, Hinamon ng Suntukan ang mga “KA-DDS”

Sa kanyang social media account, naghamon ng jombagan ang GMA News resident analyst na si Richard Foronda Heydarian sa mga followers niya na mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte o mas kilala sa tawag na DDS (Duterte Die Hard Supporters). Pinapili din niya ang mga posible niyang maging katunggali ng mga klase ng tadyak na maaaring gagamitin niya.

Nagbabala din si Heydarian sa mga bumibisita sa kanyang social media page na huwag mag-iwan ng mga tinatawag niya na “disgusting and deplorable homophonic comments”.

“Dear Ka-DDS followers,

Alam ko marami kayo, thank you ha. No one is perfect, butlet this be final warning regarding disgusting and deplorable homophonic comments on my page.

If feeling macho ka, no problem, see you in Elorde, would be more than happy to school you into respect and tolerance and dignity.

Pick: round house, or 45, or turning kick?

#WagDuwag” sabi ni Heydarian.

Kinasahan naman ng masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte na si Mark Lopez ang hamon ni Heydarian. Si Lopez ay isang radio host at pro-government blogger.

Dahil sa pagtanggap ni Lopez sa hamon ng GMA7 resident analyst, nag-alok naman ang political strategist at social media analyst na si Franco Mabanta na ipagamit ang kanyang boxing ring at puwede din daw siya makakuha ng mga professional referees.

“Hi, Mark Lopez and Richard Heydarian. You’re both my friends. I have an MMA cage and a boxing ring and access to multiple professional referees.

This is obviously quite silly…but oftentimes the silliest moments make for the most entertaining of nights. Kindly let me know if I can help.” sabi ni Mabanta.

Kung bibisitahin ang nasabing social media post ng GMA7 analyst, mapapansin na binago na niya ang naturang post at tinaggal ang paghahamon sa mga supporters ni Pangulong Duterte.

Itong mga nakalipas na buwan, ibinahagi ni Heydarian sa kanyang social media page ang pag-e-ensayo niya ng kick-boxing.

Source: Richard Foronda Heydarian | Franco Mabanta

Leave a Reply

Theme by Anders Norén