Local News

GMA 7 Network Analyst, Lagot sa LTO dahil umano sa Pagda-Drive na may Aso sa Manibela!

Nalalagay ngayon sa alanganin ang Analyst sa himpilang GMA Network na si Richard Heydarian o Javad Heydarian dahil sa pagpo-post ng litrato sa social media habang nasa driver seat ng sasakyan at may aso sa kanyang harapan. Makikita kasi sa larawan na nakahawak si Heydarian sa steering wheel ng kotse. Kaya hindi ito nakaligtas sa mata ng mga taga Land Transportation Office (LTO).

“Ang ganitong pamamaraan sa pagmamaneho ay hindi pinahihintulan ng ating pamunuan na maaaring magresulta sa isang trahedya o aksidente. Malinaw na isang paglabag sa batas ang ganitong uri ng pagmamaneho na hindi dapat pamarisan ng sinuman,” sabi ng LTO-NCR.

Sa mismong social media post ng LTO ay nagkomento si Heydarian para ibigay ang kanyang panig. Ayon sa analyst, naka-parada naman daw umano ang sasakyan noong kinuhanan siya ng litrato.

“FYI, the car is legally PARKED, engine off, and STATIONARY — as obvious in the clear background landscape. Nothing in this screenshot by propagandists shows movement. Safety, in driving as in everything else, has been a paramount part of my life, and under no circumstances will I ever endanger myself or anyone recklessly. “ paliwanag ni Heydarian.

Para kay Heydarian, ang pagpo-post ng LTO ng kanyang larawan ay isang harassment. Nagbanta din si Heydarian na gagawa siya ng legal na hakbang laban nangangasiwa sa social media accoutn ng LTO.

“This is clearly a case of politically motivated harassment, and will take this to highest authorities if necessary. Whoever is running this social media account: You will take down this nonsense FAKE NEWS post or I will take necessary measures as this can constitute slander and libel. And grabe nmn kayo, bati cute na cute na Pic Asso na pet ng tita ko POPOLITIKAHIN niyo? Please properly INVESTIGATE, follow DUE PROCESS, and think before posting false statements and accusations against individuals. Thank you.” babala ni Heydarian.

Hindi naman nagpatinag ang LTO sa babala ni Heytdarian. Kaninang umaga ay naglabas na ng subpoena ang LTO laban sa GMA7 analyst at inatasan itong magtungo sa Law Enforcement Service, Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng komento patungkol sa litrato nito sa social media. Ang subpoena ay may lagda ni Field Enforcement Division Chief Robert Valero.

Source: LTO – National Capital Region

Leave a Reply

Theme by Anders Norén