Local News

GMA7 at Inquirer Official, Sinampahan ng P23 Million Tax Evasion Case ng BIR

Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang media outfits.

Ngayong Huwebes, inanunsyo ng BIR na nagsampa sila ng kasong tax evasiin laban sa 11 na kumpanya, kasama dito ang hindi na gumaganang INQ7 Interactive Inc. Ang Inq7 ay nabuo sa pamamagitan ng partnership ng GMA7 at ng Inquirer. Damay sa kaso ang mga opisyal ng Inq na sina Felipe Gozon at Paolo Prieto.

Si Gozon ay ang CEO ng GMA Network, Inc. At nagsilbi bilang chairperson ng INQ7. Habang si Prieto naman ay presidente ng Inquirer group na nagsilbi ring Presidente ng Inq7.

Base sa BIR, sina Prieto and Gozon ay mayroong tax liabilities na ₱23 million para sa taong 2006.

Ang kaso ay isinampa sa Department of Justice (DOJ).

Naririto po ang ilan pang kumpanya na kinasuhan ng tax evasion ng BIR.

– Information Products Corp.

– Tridem Asia Publishing, Inc.

– Europbrokers International, Inc.

– Lucky Charm Pub & Restaurant Corp.

– Integrated Dynamic Services Inc.

– Calcarries International, Inc.

– Underground Logic Inc.

– JP Med Asian Pacific, Inc.

– Ski Construction Group

– Prestige Cars Makat, Inc.

Ang tax liabilities ng lahat ng kumpanyang nabanggit ay umabot ng ₱611 million.

Ilan sa mga malalaking kumpanya na nagbayad ng pagkakautang sa gobyerno ay ang Mighty Coprporation at ang Philippine Airlines.

Magugunita na noong 2017 ay nagbayad ng 40 billion sa pamahalaan ang Mighty Corp. matapos madiskubre ang P37.9-billion tax evasion ng kumpanya. Iniurong ang kaso laban sa kumpanya matapos itong magbayad ng buo.

Habang ang Philippine Airlines (PAL) ay nagbayad ng pagkakautang na 6 billion sa parehas na taon.

“The check amounting to PhP5,677,887,615 was turned over to CAAP Chief Accountant Raul Eusebio. On the other hand, the check worth PhP258,594,230.33, net of taxes, was turned over to Manila International Airport Authority (MIAA) Assistant General Manager for Finance and Administration Arlene Britanico” sabi ng Department of Transportation (DOTr).

Source: Inquirer
ABS-CBN
CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén