Local News

GMA7 Reporter Joseph Morong, Nanigarilyo umano habang nasa Loob ng Sasakyan, Sumbong ng Netizen!

Nitong mga nakaraang araw ay sinabi ni Pangulong Rodigo Duterte na ang traffic mula Cubao patungong Makati ay magiging 5 minutes na lang. Hindi ibinunyag ng Presidente kung paano gagawin ng gobyerno ang solusyon.

Sa isang social media post, sinubukan naman ni GMA7 reporter Joseph Morong kung posible ba ang sinabi ni Pangulong Duterte. Pero sa challenge na ginawa ng mamamahayag ay may napansin ang ilang netizens.

Ayon sa kababayan natin na si Harold Tan, naninigarilyo daw si Moron habang bumabiyahe ang service vehicle nito patungong Makati. Naniniwala din si Tan na itinaktak ni Morong ang upos ng sigarilyo sa binatana ng sasakyan. Nilabag din daw ng driver ni Morong dahil sa pagpasok sa yellow lane na nakalaan para sa mga bus at public utility vehicles.

Ito po ang mga screenshot ng video na nakita umano na naninigarilyo si Morong.

“Joseph Moron took the five-minute challenge from Cubao to Makati and met some traffic slowdowns in Ortigas. All while smoking inside the vehicle and you’d wonder if he flicked the cigarette butt out the window when he was done or used the ashtray. He certainly tapped the ashes out the window. And his driver violated traffic rules by going inside the yellow lane for bus and PUV use,” sabi ni Tan.

Ilang oras ang lumipas ay binura umano ni Morong ang social media post nito, sabi ni Tan.

“Update: Moron took down the tweets that featured 2 video parts that recorded that Cubao to Makati 5-minute challenge while smoking in the vehicle and violating traffic rules by driving inside the yellow lane exclusively for bus and PUV use,” sabi n Tan.

Habang binura na umano ni Morong ang naturang video, may isa pa itong video sa kanyang social media account. Kapansin-pansin na parehas ang itsura ng dashboard ng kotse sa video sa dashboard ng kotse sa screenshot ni Tan.

Ito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mismong video ni Morong.

Magugunita na noong 2017 ay pinirmahan ni Presidente Duterete ang isang executive order na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pambulikong lugar.

Source: Harold Tan | Harold Tan | Joseph Morong | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén