Local News, World News

Go, Imumungkahi kay PDU30 na I-Ban ang US Senators sa Pinas!

“I will suggest to President Duterte to also ban these senators [from] our country for interfering [in] our internal affairs,”

Ganito pinalagan ni former Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go ang resolusyon ng ilang Amerikanong senador na pagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nagpakulong kay Senadora Leila De Lima na makapasok sa Estados Unidos.

Ayon kay Senator Go, tila iniinsulto daw ng mga Amerikanong mambabatas ang soberenya at kakayahan ng mga Pilipino na pamunuan ang sariling bansa.

“I condemn this act of a handful of U.S. senators for seeking to ban officials of the Philippine government involved in the detention of Sen. Leila de Lima. This is an affront to our sovereignty and to our ability to govern ourselves,” buwelta ni Go.

Sa kanyang social media post, ikinatuwa ni Senator Dick Durbin ang pagkakapasa ng panukala para hadlangan ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay De Lima na tumuntong sa Amerika.

“Good to see the Senate Appropriations Committee pass my amendment with @SenatorLeahy today to prohibit entry to any Philippine Government Officials involved in the politically motivated imprisonment of Filipina Senator Leila de Lima in 2017. We must #FreeLeilaNow,” sabi ni Senator Dick Durbin.

Inalmahan din ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang pinaggagawa ng ilang Amerikanong senador at tinawag niya pa ang mga ito na pakialamero.

“Ano kaya ang pakiramdam ng senador na ‘yun kung merong mag-file ng resolution dito na sabihin na ‘wag papasukin sa Pilipinas lahat ng magi-impeach kay Trump? Pakialamero eh… I’m not saying that I am for or against Senator De Lima but as I’ve said, she is innocent until proven guilty, but you cannot have a US Senator judge the case. Ang layo ah. Baka akala niya commonwealth pa tayo,” banat ni Sotto.

Source: Inquirer | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén