Local News

Gobyerno, may Alok na Puhunan sa mga Gustong Mag Negosyo!

Sa mga hindi pa nakakaalam, may programa ang ating gobyerno para sa mga kababayan natin na gustong magsimula ng negosyo. Sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program o “Kabuhayan Program” ng Department of Labor and Employment (DOLE), maaring mayudahan ang mga kalipikadong indibiduwal o grupo ng tao sa negosyong gusto nilang simulan.

Sa naturang programa, aabot sa 20,000 pesos ang pwedeng mai-alok ng gobyerno sa isang indibiduwal.

Habang 250,000 pesos naman sa mga grupo na may 15 – 25 na miyembro.

Para naman sa grupong mayroong 26-50 na kasapi, aabot sa P500,000 ang pwedeng mai-alok ng pamahalaan sa kanila.

Isang milyon naman ang pwedeng makuhang puhunan ng grupong mayroong laspag 50 na miyembro.

Lagpas 80,000 na benepisyaryo na ang nagpagkakalooban ng tulong sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan.

Gumawa rin ang DOLE ng isang website upang matulungan ang mga gustong mag negosyo na maibenta ang kanilang mga produkto.

Kung kayo ay interesado sa naturang programa, maari po kayong pumunta sa mga regional offices ng DOLE o sa mga Public Employment Service Office na malapit sa inyo.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén