Local News

Gobyerno, Planong Mag-Take Over sa Operasyon Kung Magpapatuloy ang Krisis sa Tubig

Problema sa tubig? Kamakailan lamang ay madalas maranasan ng marami sa atin ang mahinang supply ng tubig dahil na rin umano sa bumababang level ng tubig ng mga dam sa bansa.

Sa gitna ng krisis na ito, balak umano ng pamahalaan na mag-take over sa operasyon upang mabigyan ng solusyon ang problemang ito na marami ang naaapektuhan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kakailanganin umano ni Pangulong Duterte na magdeklara ng National Emergency bago mahimok ang pamahalaan na mag-take over kung patuloy na hindi matutugunan ng water concessionaires sa bansa ang kakulangan sa tubig.

“Yes, he said ‘I will assume control’ so that means government takeover… to solve the crisis,” ani Panelo.

“Because he said, “if you cannot solve the crisis then I will do it for you,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang nito lamang Lunes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kung kinakailangan ang “extraordinary powers” ng kanyang opisina ay handa siyang gawin ito upang masolusyonan ang malawakang problema sa tubig.

“Let me be very clear to the citizens and all. You have every right to protest if it would place your place in jeopardy. But if the safeguards are there, tapos between your concerns and the crisis that we are trying to avoid, I will use the extraordinary powers of the presidency to… And I could not just allow people go out without water even for drinking,” ani Pangulong Duterte noong Lunes.

“It might create some danger or damage but that is not my concern. My concern is the welfare. Ganito ‘yan: The greatest good for the greatest number. That is democracy,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, binigyang-diin naman ni Panelo na mayroon umanong legal na basehan ang Pangulo na gawing isa sa mga opsyon ang pag-take over sa mga kumpanya ng tubig, lalo’t ang nakasalalay umano ay para sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino. Dagdag niya, nakasaad umano sa Konstitusyon na tungkulin ng Pangulo ng bansa na paglingkuran at protektahan ang mga mamamayan ng bansang kanyang nasasakupan.

“Kung grabe water crisis, kung wala na tayo tubig naiinom. Diba sabi niya kagabi, I will not allow people not drinking water,” ani Panelo.

“Kung wala na talaga tayong naiinom na tubig, wala na pampaligo, may problema talaga tayo,” dagdag pa ng Tagapagsalita ng Palasyo.

Source:
Manila Bulletin
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: