Local News

Gobyerno, Sasagutin ang Testing Costs sa Coronavirus!

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang gastos sa testing sa mga osital para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The President recognizes that everyone in the country is concerned about COVID-19 and the threat this poses to the health and lives of our loved ones, especially vulnerable individuals like senior citizens… Given this, the last thing we want is for our citizens to worry about medical costs and expenses. Their only concern should be their well-being and the well-being of their families,” sabi ni Nograles.

Si Negrales ay kabahagi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang nangangasiwa sa paglaban sa mga nakamamatay na sakit.

Nasa proseso na raw ngayon ang nasabing ahensiya sa formalizing at operationalizing ng bagong benepisyo, base sa impormasyon na natanggap ni Nograles kay PhilHealth president and CEO Ricardo Morales.

Ginagawa na rin daw ng gobyerno ang lahat para masigurado na may sapat na testing kits upang ma-isolate ang mga nahawaan ng covid-19.

“We are fast-tracking the deployment of these kits so these can be used at the soonest possible time. Per Dr. Destura of Manila Healthtek, the rapid diagnostic test kit for COVID-19 is set for field validation study, and that UP PGH and the National Institute for Health have agreed to support the study,” dagdag pa ni Nograles.

Source: GMA News | News5| Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén