Local News

“Golden Triangle ang Source ng Droga Hindi China!” Leni, Tablado sa Pahayag ng co-chair niya sa ICAD!

“Ang report talaga sa atin ngayon ay karamihan sa supply na pumapasok (sa ating bansa) ay galing China. Pati ‘yung nahuhuli na nag-o-operate within the Philippine ay karamihan Chinese Nationals or Filipino-Chinese Nationals,” – Vice President Leni Robredo

Kung sa mga media interviews ni Vice President Leni Robredo ay ibinulalas nito na galing sa bansang Tsina ang mga droga na pumapasok sa Pilipinas, iba naman ang naging pahayag ng kapwa niya chairperson sa Inter Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino.

“2017 pababa, karamihan sa drugs ay nanggagaling sa China, and then eventually nagkaroon ng geographical shift. From 2018, nagkaroon ng golden triangle drug syndicates, which borders Laos, Myanmar and Thailand. Akala mo ngayon dahil nakalagay ay Chineses tea ay akalo mo galing sa China,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

“Itong China kasi, because of their strict laws, nagkaroon ng crackdown ang Chineses government laban sa illegal drugs sometime 2017 or 2018. Medyo nag lie low ang China.Instead na sila ang nagma-manufacture ng drugs, nag-outsource sila, sila na ngayon ang kumukuha ng drugs ngayon sa Golden Triangle region,” dagdag pa ni Aquino.

Ayon sa PDEA, papalakasin nila ang kooperasyon pagdating sa law enforcement sa mga bansa kung saan gumagalaw ang golden triangle drug syndicate.

Base sa Philippine National Police (PNP), wala na daw natatagpuang shabu laboratory sa bansa. Ayon naman sa PDEA, hindi dapat pakasiguro.

“That’s why there should be strict enforcement sa borders,” sabi ni PNP OIC Chief Archie Gamboa.

Si Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang co-chair ng ICAD upang pamunuan ang giyera ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot dahil sa palagiang pagbatikos sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén