Local News

Goodbye Smartmatic? Senator Marcos, Naghain na ng Panukalang Batas Laban sa Election Service Provider Company!

“MARCOS MOVES TO END SMARTMATIC DOMINANCE, FILES BILL TO ALLOW OTHER AUTOMATED ELECTION SYSTEM SERVICE PROVIDERS”

Sa social media post ni Senadora Imee Marcos, ibinalita nito sa kanyang followers na naghain siya ng panukalang batas (Senate Bill No. 221 ) na naglalayon na mabigyan ng pagkakataon ang ibang Automated Election System (AES) Service Providers na mapabilang sa mga maaaring pagpilian ng gobyerno.

Ayon sa senadora, sa kasalukuyang batas, mayroon daw probisyon na nakakahadlang sa ibang service providers.

“The neophyte senator filed Senate Bill No. 221 proposing to strike out a provision in Republic Act 9369 which bars other service providers from participating so that Smartmatic becomes the only available choice,” sabi sa post ng senadora.

Banat pa ni Senator Imee, dahil daw sa naturang probisyon kaya walang puwedeng piliin ang Commission on Election (COMELEC) kundi ang Smartmatic lamang.

“It narrowed the field of qualified service providers to Smartmatic alone and negates the entire purpose of setting other technical requirements in choosing an AES provider,” paliwanag ng senadora.

Magugunita noong matapos ang 2019 elections, sinabihan ni Presidente Rodrigo Duterte ang COMELEC na ibasura na ang Smartmatic at humanap na ng iba.

“Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud… Kasi ang liberal, sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin. It’s creating an environment of hostile attitude…Improve on the system, stop using Smartmatic. Ayoko naman mag-attribute ng corruption. Kasi pabalik-balik na ‘yan bakit pa sige Smartmatic na hindi naman nagbibilang . . . tapos nasisira,” sabi ng Pangulong Duterte sa harap ng Filipino Community sa Japan.

Basahin ang naging reaksyon ng mga followers ni Senator Imee sa kanyang social media account.

“Very good move neophyte Senator ma’am Imee Marcos, thank you for the bill and hope to pass it in the senate,” sabi ni R. Semilla.

“That the idea of atty glen chong and its very good that sen Imee Marcos has adopt and proceed tha idea sana balasahin lhat mga comolek official,” sabi ni A. Duata.

“Yes! Matatapos na din ang pagsasamantala at panloloko satin ,” sabi ni A. Esguerra.

Source: Imee Marcos Facebook page | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén