Local News

Gov. Remulla at Mayor Isko, Parehong Pinalpal ni Lt. General Parlade!

Nitong nagdaang araw ay sumawsaw sa isyu ng red-tagging si Cavite Governor Jonvic Remulla at nagpatutsada laban kay Lt. General Antonio Parlade. Sinabi ni Remulla na wawawsakin daw niya ang mga anti-npa posters sa kanyang probinsiya.

Sinabi ito ng gobernador matapos kuwestiyonin ni Heneral Parlade kung kanino kumakampi si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos ipabaklas ng alkalde ang mga anti-communist tarpaulins sa kanyan lungsod. Maguguntia na marami rin nag-taas ng kilay sa ginawa ni Mayor Isko sa mga anti-NPA tarpaulins.

“I dont know who ordered it and Im not privy to latest decision of NTF ELCAC on this. But, why not? 96 cities nationwide already declared the CPP NPA as PNG so my question really is WHY JUST NOW in MManila? Why would even Manila order the removal of this tarps? Is Mayor Isko welcoming this terrorist? Lets clarify from Yorme the basis for his action? Is it fear of retribution?

Lets take a look at the leadership of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. From Pres down, mostly Gabriela and staff of Taguiwalo booted out of DSWD. Who has the appointing power and authority in this university?

Yes, Mayor. Lets give peace a chance in Manila. Keep the terrorist CPP NPA NDF out of it,” sabi ni Parlade sa ginawa ni Mayor Isko.

Ang mga sinabi na ito ni Parlade ay minasama ng gobernador.

“Kahit si Yorme na nagtanggal lamang ng mga posters at tinagurian agad na sympathizers. Ok ka lang, Parlade? Your train of thought and reasoning are preposterous and shifty,” boladas ni Gov. Remulla.

Bumuwelta naman agad si Parlade kay Remulla. Banat ng army official, ginagamit ba ni Remulla ang utak nito o baka nabuungan lang daw.

“Nag-iisip ka ba? Nabasa mo ba ‘yung statement ko? Did you see any threats? Baka binulngan ka lang ni Mayor Isko Moreno… Satur Ocampo, Liza Maza mga kaalyado mo na members nitong Kamatayan Bloc,” resbak ni Lt. General parlade.

Source: One News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén