Local News

Gov’t Property, Binaboy ng Babaeng Rallyista!

Huli sa akto ang isang rallyista habang binaboy ang government property sa lungsod ng Maynila. Makikita sa viral na larawan ang babae na may hawak na spray paint at sa hiwalay naman na litrato ay makikita ito na minamarkahan ang road signage.

Ang mga naturang larawan ay ibinahagi ng Facebook page na Happy Riders PH. Habang ginagawa ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 3,000 ang nagbahagi na ng post at umani na rin ito ng libo-libong komento.

“Kung baboy ka wag mo na sanang idamay mga Signage malabo na nga bababuyin mo pang bulol ka.
Rally ka ng rally wala na kayong na itulong ganyan pa gagawin nyo.
kayo ang tunay na salot sa bayang ito,”
sabi ng Facebook page.

Ang larawan ng babae ay kumalat sa social media kasabay ng ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mayroon din ibang netizen na nag-post ukol sa pambababoy sa isang monumento sa Mendiola. Makikita sa monumento ang bandalismo na may nakasulat na patalsikin ang Pangulo ng Pilipinas.

Noong nabubuhay pa si dating senadora Miriam Defensor Santiago, sinulong ng mambabatas ang Anti-Vandalism Act. Layon nito na ipagbawal ang bandalismo at pagbebenta ng mga spray paint sa mga menor de edad.

“Graffiti vandalism is a serious problem that affects the entire country, and has a considerable impact on our public spaces. Research suggests that graffiti vandalism can create the perception in the public that “tagged” areas are unsafe, and can contribute to the deterioration of the quality of life in certain neighborhoods.

Tagging and graffiti is not simply a nuisance activity. It is an invasion of private and public property that is intimidating and antisocial. The majority of the graffiti in our communities cannot be considered art. It is mindless scrawl that causes great financial and emotional costs that the perpetrators care nothing about.

Graffiti vandalism is not only committed by bored individuals. It can have links to gang territoriality and other forms of juvenile delinquency that form the basis of future more serious offending.” sabi ni Santiago sa explanatory note ng kanyang panukalang batas noong 2013.

Source: Happy Riders Ph | Netizen | senate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: