Local News

Grace Poe, Aroganteng Umaming may Business Relationship ang Pamilya niya sa ABS-CBN – Former Ambassador

Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Channel program na Headstart, inamin ni Senadora Grace Poe na mayroong business relationship ang kanyang pamilya sa ABS-CBN. Tugon niya ito sa mga nagsasabing bias siya pabor sa Kapamilya network.

“Number 1, I am the chairman of the Committee on Public Services. No.2, it’s no secret the business relationship of my family with ABS-CBN. No. 3, I am only one of 24 senators. Whatever I say, even if I am for it or against it, if the majority will not side with my opinion, it will not prevail,” sabi ni Poe.

Sinabi ni Poe ang pahayag na ito matapos niyang pamunuan ang senate hearing sa prangkisa ng ABS-CBN. Ang nasabing prangkisa ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin.

Hindi naman nagustuhan ng Manila Times columnist at former ambassador na si Rigoberto Tiglao ang sinabi ni Poe. Inilarawan ni Tiglao na “arogante” ang pahayag na ito ng senadora.

Magugunita na bago magkaroon ng pagdinig sa senado ukol sa ABS-CBN franchise renewal, pinuna na ni former presidential spokesperson Harry Roque ang gagawing pamumuno ni Poe sa nasabing pagdinig. Ayon kay Roque, may “conflict of interest” ito dahil ang ina ni Poe ay kabilang sa programa ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano” at binili naman ng Kapamilya network ang film library ng ama nito.

“Ang sa akin, bakit naman pamumunuan ni Senator Grace Poe itong pagdinig na ito, samantalang mayroon siyang conflict of interest? Ang nanay niya nagtatrabaho sa ABS-CBN. ‘Yung library ng tatay niya na si FPJ ay binili at pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN,” banat ni Atty. Roque.

Para naman sa abogado , radio host at blogger na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, dapat kasuhan si Poe para mapanagot ito.

“Since the two laws execute the constitutional provision, it is necessary to sue the senator for these in order to make her liable,” sabi ni Atty. Cruz-Angeles.

Source: ABS-CBN | Manila Times | SMNI | Philstar | Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: