Local News

Grace Poe, Naalarma sa Pag Revoke sa Contract Extension ng 2 Water Companies!

Lumabas kahapon ang impormasyon na ni-revoke na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang concession extension agreement para sa Maynilad and Manila Water.

“MWSS Chairman Reynaldo Velasco, kinumpirmang kinansela o nirevoke na ng MWSS board noong nakaraang linggo ang resolusyon kaugnay sa EXTENSION ng concession agreement ng MWSS sa Maynilad at Manila Water mula 2022 hanggang 2037,” ayon sa Twitter post ng mamamahayag na si Alvin Elchico.

Ang balitang ito ay ikinaalarma ni Senador Grace Poe. Ayon sa senadora, posible daw itong maka-apekto sa pamamahagi ng tubig sa mga kliyente ng dalawang water concessionaires .

“Ako, pinakanababahala ako ngayon ay ang pagrevoke ng extension contract… Dahil kung ‘yun ang mangyayari, alam mo kahit magpatayo tayo ng Wawa Dam, ‘yung treatment facilities n’yan, at saka ‘yung conveyance, ‘yung pagdi-distribute ng tubig sa mga household, sa mga businesses…kapag itinigil ngayon ‘yung distribution process, mawawalan tayo ng tubig ngayon na ire-revoke ‘yan… Nirevoke na daw yung extension so hanggang 2022 na lang, so pagdating ng 2022, kung hindi sila ma-extend beyond 2022, lahat ng projects nila in the pipeline, matitigil,” sabi ni Poe.

Ang isyu tungkol sa mga water concessionaires ay pumutok matapos ibulgar ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang talumpati ang mga detalye ng kontrata sa pagitan ng mga water companies at ng mga nakaraang administrasyon. Inilarawan ni Pangulong Duterte na “dehado” para sa taumbayan at sa pamahalaan ang mga nakasaad sa kontrata. Ito ang dahilan kung bakit nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan ang mga sangkot sa pagbalangkas ng naturang kontrata ng economic sabotage.

Ayon kay Senador Bong Go, ilan daw sa nakalagay sa kontrata ay ang pagbabawal sa gobyerno na makialam sa operasyon ng gma water companies. Ipinapasa din sa mga consumer ang corporate income tax ng mga nasabing water concessionaires.

“Tayo pa ngayon ang magbabayad ng bilyon-bilyon mula sa kaban ng bayan dahil pinigilan sila magtaas ng singil ng serbisyo na napakababa ng kalidad. Buong bansa ang magbabayad, hindi lang ang kliyente ng mga concessionaires na ito, the whole constituency, not just the part of it. It will bear the brunt of the greed and selfishness of these big concessionaires,” sabi ni Go sa kanyang privilege speech sa seando.

Source: Inquirer | Alvin Elchico

Leave a Reply

Theme by Anders Norén