Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Grupong Magdalo, Nabanggit sa Na-recover na Chat Messages tungkol sa Bikoy Videos!

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakabanggit sa grupong Magdalo sa nakuhang chat conversations sa pagitan ni Rodel Jayme at ni Alyas “Maru Nguyen”.

“Now, in so far as inciting to sedition is concerned, we based it on the content of the conversation. There are very sensitive matters sa pinag-usapan ni Mr. Rodel at Ms. Maru Nguyen. We forwarded this already to Department of Justice (DOJ), ‘yung contents ng kanilang conversation ,” sabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin.

Isa sa lider ng Grupong Magdalo ay si Senador Antonio Trillanes. Si Trillanes ay maingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahina ng NBI report na inilathala ng CNN Philippines, isang nagngangalang “Filmore” na miyembro umano ng Magdalo ang nabanggit ni Nguyen kay Rodel.

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na dapat pagtuunan ng pansin ng DOJ ang mga bintang ni Bikoy at pabulaanan ang mga ito, imbes na imbestigahan ang mga whistle blower.

Si Rodel ang itinuturong web developer ng Metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng malisyosong video series kung saan pinaratangan ni alyas “Bikoy” ang kapamilya ng Pangulong Duterte na sangkot umano sa droga. Pati ang anak ng Presidente na si Kitty, menor de edad, ay siniraan at iniugnay sa bentahan ng iligal na gamot.

Source: News5 | CNN Phil

Leave a Reply

Theme by Anders Norén