Local News

‘Gumamit din ng Militar ang New Zealand laban sa Covid-19’ Leni, Supalpal kay Sec. Locsin

Bumaladas muli si Vice President Leni Robredo sa naging hakbang ng goyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (covid-19). Isa sa pinupuna ni Robredo ay paggamit daw ng pamahalaan ng tangke ng militar para sa pandemic protocols.

Ayon kay Robredo, may nakita daw siya na mga video clips sa Cebu City kung saan may mga tangke. Ito ay matapos ilagay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod sa lockdown matapos ang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa naturang lugar.

“This is a health pandemic. Bakit may mga tangke sa daan? The military has been very helpful, even to our office, pero I think we should take a more public health approach… Ang problema ko rito, ‘pag nakita na ng mga tao iyong tangke, ‘Ano ba to, giyera?’ Iyong giyera natin dito against COVID-19 at hindi ito nadadaan sa pagso-sow ng fear among the constituency,” patutsada ni Robredo.

Ang mga kuda ni Robredo ay agad naman binutata ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr.

Ayon sa kalihim, maging ang bansang New Zealand ay gumamit din ng militar para labanan ang pandemiya.

“Please stop complaining. Please. New Zeland has turned tot he military as well. It is about getting things done at all and fast without civilian bugling especially those who wear white gowns. Please. please. Tama na ang reklamo,” buwelta ni Sec. Locsin.

Kung maghahanap ng balita sa Google patungkol sa aksyon ng New Zealand laban sa covid-19, makikita na inatangan nga ng kanilang pamahalaan ang militar para tumulong sa pag-kontrol sa pandemiya.

Source: Philippine News Agency | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: