Local News

Gumawa ng Intriga sa Disputed Waters? ABS-CBN Reporter, Sinopla ng Radio Host!

Habang may namumuong tensyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Tsina dahil sa West Philippine Sea, tinangka ng ABS-CBN crew na magpunta sa lugar na maituturing na “disputed waters”.

Base sa ulat ng ABS-CBN reporter Chiara Zambrano, hinabol daw sila ng mga Chinese craft na mayroong mga armas.

“May lumapit na puting barko ng China Coast Guard at dumidiretso. Nakikita namin na papunta sa direksyon namin ‘yung barko. Maya-maya ay nagradyo ito at sa salitang Ingles ay tinatanong kung sino kami at ano ginagawa namin doon… Kahit kami ay nasa ruta na papauwi ng mainland ay mga isang oras kaming hinabol,” sabi ni ABS-CBN Chiara Zambrano sa kaniyang ulat.

Kinuwestiyon naman ng ilang kababayan natin ang motibo ng ABS-CBN crew.

Isa sa mga pumupupuna ay ang radio host at blogger na si Mark Lopez.

“Sandali lang, ang trabaho ng media mag report ng news, hindi gumawa ng news.
Anung katangahan yung ginawa sa DISPUTED Waters?” banat ni Lopez.

“Dahil Araw ng Kagitingan, gumawa kayo ng intriga sa DISPUTED Waters, tapos ung walang credibility pa na reporter, and you expect na maniwala kami?” dagdag pa ni Lopez.

Maging ang retiradong mamamamahayag na si Jay SOnza ay hindi naniniwala sa ulat ng ABS-CBN.

“Anong boat chase ang pinagsasabi ng tangang Kapamilya reporter? Baka nakabatak ka Inday at nakakita ka ng habulan sa alapaap. Parang may amats ka pa chang,” sabi ni Sonza.

Source: 1 | 2 | Jay Sonza | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén