Local News

Gusto ko Kumandidato ang Duterte-Duterte Tandem para Makita ko silang Matalo! -Trillanes

Source: Inq

Gusto ni former senator Antonio Trillanes na kumandidato ang Sara Duterte-Rody Duterte tandem dahil naniniwala siya na matatalo ang mag-ama.

“I’d encourage them to do that, and they have every right to do that and in fact ideally I would want them to be rejected in the 2022 elections. So it’s even preferable for Mr. Duterte to run for vice president, for Sara Duterte to run for president. We are looking forward to that rejection, to their rejection in 2022,” boladas ni Trillanes.

Ipinipilit pa rin ni Trillanes na ang popularidad daw ni Pangulong Duterte ay nababawasan na. Ang kuda ni Trillanes na bumababa na ang popularidad ni Pangulong Duterte ay matagal niya nang sinasabi pero alam naman ng lahat ang katotohanan.

“I disagree with the premise that he is still acceptable because we are conducting our own internal polling and his numbers are significantly down and continuously declining at a very steep rate,” ani ng dating rebelde.

Malaki din daw ang tsansa ng oposisyon dahil dismayado na raw ang mga tao sa pamumuno ni Pangulong Duterte.

“I think the big difference is the change in political times. You can feel it everywhere. There is so much frustration, disappointment, and disgust with the current administration, so the clamor for change would ring louder and louder as we get closer to the 2022 elections and that is going to be the turning point,” dagdag pa ni Trillanes.

Ang Sara-Rody tandem ay nauna nang inilutang ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Pero ilang ulit nang sinabi ni Mayor Sara na wala siyang maging presidente, sa kanila nang panghihikayat sa kaniyang ng mga tagasuporta.

Kamakailan lang ay inilutang naman ni Pangulong Duterte ang ideya na maging Presidente si Senador Bong Go. Ayon kay Senador Go, wala siyang plano maging Pangulo pero mag-iiba ang kaniyang isip kung tatakbo bilang bise si Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén