Local News

‘Gusto namin Sibakin si DU30 Kahit Walang Eleksyon!’ Renato Reyes, Hayagan Inamin ang Plano Laban sa Presidente!

Para kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, gusto na raw ng grupo niya na alisin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit walang isinasagawang halalan.

“Gusto na nga namin siya paalisin kahit wala pang eleksyon. Kayo naman gusto niyo siyang patagalin pa sa pwesto kahit na tapos na ang termino. NO. Stop using the pandemic as pretext for dictatorship.” boladas ni Renato.

Sinabi ito ng aktibista matapos ilutang ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo ang ideya na kanselahin ang eleksyon sa 2022 dahil sa pangamba ng ilang botante sa pandemiya.

“Because I’ve been hearing in my district, the businessmen, the old people, they’re saying maybe they would not just vote because they’re scred to vote during that day. That’s just food for thought Mr. Chair. The COMELEC may choose to answer that or not… I’ve been doing my share of reading about this pandemic and it seems that, assuming for the sake of argument that nothing goes wrong, the earliest that the vaccine will be available in our country for everybody, maybe September or October 2021,” sabi ni Congressman Arroyo.

Sa panahon ni Pangulong Duterte ay pinaigting ang laban kontra sa mga komunista. Ilan sa mga lider ng mga rebeledeng komunista na New People’s Army (NPA) ay nahuli o nasawi sa pamamagitan ng mga operasyon ng gobyerno.

Kinilala ni Communist Party of the Philippines founder Joma Sison ang grupo ni Reyes na isa sa mga legal democratic forces ng mga komunista.

Source: News5 | Philstar | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén