Local News

‘Gusto nilang Isalang ang Presidente sa Frontline para Mamatay!’ Mga Pasimuno ng NasaanAngPangulo, Supalpal kay Usec. Benny!

Todo ang pagpupursige ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang siraan ang presidente sa panahon ng kalamidad. Sa katunayan ay nagpa-trending ang mga ito ng hashtag sa Twitter na #NasaanAngPangulo upang gawing malaking bagay ang tahimik na pagtatrabaho ng Pangulo para sa bayan.

Kaya hindi pinalampas ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda ang mga kritiko ni Pangulong Duterte. Para kay Antiporda, gusto ng mga kritiko na mapahamak ang Pangulo.

“Hayop talaga! Gustong isalang si Presdiente Duterte sa frontline para magkasakit at possibly mamatay. Ang sasama niyo! ‘Yan ba ang kulturang lugaw?” banat ni Antiporda.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na gusto niyang puntahan ang naapektohan ng Bagyong Ulysses. pero pinigilan siya ng mga sundalo.

“Gusto ko. Kung sabihin mo lang as a concern for buhay o kapakanan, wala ako diyan. Gusto kong lumabas, gusto kong lumangoy. Matagal na ako hindi naligo eh. Kaya lang ayaw nitong mga sundalo. Sila ang ayaw gustong maligo ibig sabihin.

So ganoon ho ang sitwasyon. It’s not that I am at a distance from you na may distansya ako ngayon sa inyo. Gusto kong pumunta doon, makipaglangoy nga sa inyo. Ang problema pinipigilan ako kasi raw ‘pag namatay ako, isa lang ang Presidente.

Sabi ko, “Eh may Vice President naman.” Ah wala naman silang sinasagot. Nagtitinginan lang sila tapos, “Hindi, hindi ka puwedeng mamatay nitong panahon na ito. Kung malunod ka, malulunod kaming lahat na ‘yung nagtatrabaho sa iyo.”

Well, anyway, that is the fortune of our lives. We want to be of help. We want to be near and we want to share the grief and we want to share the agony.

So hindi na bale kung matamaan ako ng COVID-19. Kung makalusot ako, iku-kuwento ko na lang sa inyo ang na-experience ko,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén