Local News

“Gusto niyo Giyerahin ang China, Ayaw niyo naman sa ROTC” Bato, Sinupalpal ang mga Kritiko!

Rumesbak ang dating Chief PNP at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga kritiko ng panunumbalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Sa kanyang panayam sa programa sa ANC, nagbigay ng banat ang senador sa mga kumokontra sa ROTC.

“Karamihan sa mga kabataan natin, lalo na ‘yung mga netizens, gustong-gusto makipag-gera sa China. Gusto niyo makipag-gera sa China, ayaw niyo naman mag ROTC. Paano kayo lumaban dun?” resbak ni Senator Dela Rosa.

Ayon pa sa senador, hindi nadadaan sa pagiging keyboard ang labanan.

“Yung keyboard-keyboard lang. ‘Yung puro comment lang. Hindi ganun ang labanan. Actual gera ito. Kinakailangan niyo magprepare.” sabi pa ng senador.

Para kay Senator Bato, mas gugustuhin daw niya ang mandatory military service sa mga kabataang Pilipino imbes na ROTC pero umamin ito na baka mahihirapan daw makapasa ang panukalang batas.

“Ayaw nga ng ROTC, how much more ‘yung mandatory military training? The more na hindi makapasa…’Makibaka! Ayaw namin ng military!’ Ay, sigurado ‘yan.” banat pa ni Dela Rosa.


Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Senator Bato.

Mayroon mga sumang-ayon sa senador.

“HAHAHA TAMA…. YAN SILA GUSTO GIYERA PERO AYAW NG ROTC TRAINING BAKA KASI GUSTO NILA HAMPASAN LANG NG KEYBOARD SA MUKHA HAHAHA,” sabi ni R. Sombrano.

“Mag rotc kau kesa kau lagi nka online mga kbataan ng madisiplina kayo at mtanggal mga mantika nyo sa katawan,” sabi ni D. Zurc.

Habang ang isa naman ay mas gusto ang boy scout kaysa ROTC.

“Push nyo na lang boy scout marami pang matutunan yung ROTC boung araw puro martsa sa boyscout meron din yan.dami pa ituturo hiking trekking knot tying boyscout oath first aid assistance madami tinuturo. Di mabilang..Rotc bou arw lang talaga puro martsa,” sabi ni A. Mabelin.

Ayon naman sa isang commenter, wala daw may gusto ng giyera.

” Sino ba may gusto nang giyera? Kung tatanungin mo kami ayaw namin. Yung ROTC makakatulong yan nang malaki. Pero hindi yan dahil gusto natin giyerahin ang China,” sabi ni J. Grafil.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén