Local News

“Wag kayong maniwala diyan! Nagwa-warning kami sa mga tao!” Reaksyon ni BBM kay FLM!

Nitong kalagitnaan ng Mayo ay naging laman ng mga balita ang pag aresto sa internet personality na nagpapakilalang bilyonaryo na si Norman Mangusin aka Frnacis Leon Marcos (FLM). Si FLM ay hinuli ng mga tauhan ng Natioanl Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglabag sa optometry law. Kalaunan ay sinampahan din si FLM ng mga karagdagan kaso tulad ng inciting to sedition at violation of passport law. Kinukumpirma na rin ng NBI kung may kaugnayan si FLM sa kasong human trafficking. Si FLM ay sumikat sa internet dahil sa paandar nitong “Mayaman Challenge at pamimigay ng bigas at kalabasa.

Sa isang panayam, natanong si former senator Bongbong Marcos (BBM) kung may koneksyon o kamag-anak ba nila si FLM. Itinatuwa ni BBM na may kaugnayan si FLM sa kanilang pamilya.

“Maraming ganyang kung ano-ano ang sinasabi. Guston lang magpasikat. Marami iyan mula pa nang bumalik kami noong ’91. Dami nagrereklamo sa amin na mga foundations kahit saan sa Pilipinas. ‘Wag kayong maniwala sa ganyan. Bigla na lang lumabs na hindi mo alam kung saan nanggaling. One of many ‘yan. Wala ng katapusan ang ganyang mga klseng (raket).” sabi ni former senator Bongbong Marcos.

“Kagaya dati mula noong naka-uwi, nandiyan na ang mga iyan. WIna-warningan namin ang mga tao. ‘Yung mga nagsasabing mga kamag-anak namin, hindi namin kamag-anak iyan. Ngayong lang namin nakita iyan. ‘Wag kayong masyadong maniwala diyan,” dagdag pa ni BBM.

Naglabas na rin ang abogado ni BBM ng pahayag tungkol kay FLM.

“We wish to clarify that Mr. Norman Mangusin a.k.a. Francis Leo Marcos is unrelated in any way to the Marcos family. Moreover, he does not represent the interests of the Marcos family… We hope that this clarification will finally set the record straight regarding Mr. Mangusin and his purported relations to the family,” sabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado at tagapagsalit ni BBM.

Source: DZRH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén