Local News

Sara Elago, Gustong Palayain ang mga Arestadong Ex-UP Students at Ngayo’y Communist Terrorists?

“FREE MIRA LEGION! Iskolar ng bayan, lider kabataan, at kasalukuyang personnel ng Bayan Eastern Visayas, na kasamang iligal na inaresto ng apat pa: Alexander Abinguna, Katungod SB, Marielle Domequil – RMP, Marissa Cabaljao – People Surge kasama ang kanyang 1 taon-gulang na anak, at pati ang mamamahayag mula sa Eastern Vista na si Frenchie Cumpio matapos ang iniulat nilang isinagawang iligal na raid ng kapulisan at militar sa kanilang mga opisina kaninang madaling araw bandang 2 ng umaga,”

Ganito ang naging pahayag ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago kaugnay sa pagkaka-aresto sa ilang miyembro ng left-leaning groups. Ang mga indibiduwal ay tinuturing na communist terrorists group (CTG) Personalities ng AFP-PNP.

Magugunita na nitong unang bahagi ng Pebrero ay nagsagawa ng raid ang mga alagad ng batas sa iba’t-ibang parte ng Tacloban. Nahuli sa mga raid sina Frenchie Mae Castro Cumpio, Marielle Alvez Domequil, Mira Dalla Destura Legion at iba pa. Sa isang safe house ng mga CTG ay may nakumpiskang baril at pera na aabot sa kalahating milyon.

“Ang pagkakaaresto kay Frenchie Castro Cumpio at ng kanyang mga kasamahan ay resulta ng ating pagtutulungan – impormasyon mula sa ating mga kababayan, teamwork ng ating security forces at suporta ng ating local na pamahalaan at mga ahensiya… Sinasabuhay na po natin ang whole-of-nation approach. Ipagpatuloy lang po natin ito at siguradong marami pa tayong mahuhuli at ma-neu-neutralize na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at sama-sama nating ma-aaccomplish ang ating mission to end local communist armed conflict dito sa Eastern Visayas,” sabi ni Joint Task Force Storm Commander Major General Pio Q. Diñoso III.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sina Domequil at Legion ay graduates ng University of the Philippines Visayas.

Ang mga nasa larawan ay sina Marielle Domequil (kaliwa), Frenchie Cumpio (gitna) at Mira Dalla Destura Legion (kanan).

Para kay Elago, ang mga inarestong indibiduwal ay pawang mga human rights defenders at independent media lang.

“We demand their immediate and safe release, and call on the public to denounce this latest attempt to silence and intimidate independent media and human rights defenders,” sabi pa ni Elago sa kanyang social media post.

Source: Philippine Information Agency | CNN Philippines | Sarah Elago | Sarah Elago

Leave a Reply

Theme by Anders Norén