Local News

Panoorin: Hacienda Luisita Massacre, Kasalanan ni Cory ayon kay DU30!

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng newly elected officers ng League of Provinces of the Philippines sa Malacañang, sinisi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si ex-President Cory Aquino sa nangyaring karahasan sa Hacienda Luisita.

Ayon sa kasalukuyang Pangulo, kung isinaman lang daw ni Cory ang kanilang lupain sa agrarian reform program, hindi daw sana nagkaroon ng gulo. Hindi daw niya binabatikos ang mga Aquino pero nasa kapangyirahan daw si Cory noong panahon na iyon.

“They would remind me of so many killings connected with Doña Luisita before it was actually given. How many killings took place there? Marami ang namatay doon so sana sinali niya ang Doña Luisita,” sabi ni Pangulong Duterte.

Hindi daw dapat umabot sa 100 katao ang pumanaw kung ibinahagi lang ni Cory ang lupain ng pamilya nito sa agrarian reform.

“More than 100 persons died there along the way in the implementation of the land reform. It could have been avoided kung pati ‘yung Doña Luisita sinali niya na noon ,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Ilang araw lang ang nakararaan ay magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na na kaya umano sikat si Cory ay dahil sa pagkamatay ng asawa nito na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino noong panahon ni former President Ferdinand Marcos. Sinabi ito ni Pangulong Duterte noong talumpati niya sa Mindanao-wide ceremonial distribution of land certificates to agrarian reform beneficiaries sa Davao City.

“Itong kay Cory Aquino ganito ‘yan. Cory Aquino may be popular. She is popular today. Why? For losing the husband in the hands of Mr. Marcos,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa parehas na talumpati ay binanatan din ni Pangulong Duterte si Cory tungkol sa lupaing pagmamay-ari ng pamilya nito.

“Because Aquino declared land reform for the entire Philippines but exempted Doña Luisita, her own land. To the many — to those who really wanted to be freed from Marcos, that’s another feeling, maybe of gratitude.
Pero ‘yung — when she said, ‘I would like to declare land reform in all of the Philippines.’ Hindi niya sinali ‘yung kanya. She exempted her… So you [call her?] what? The one who freed, emancipated… It’s incongruity,
they call it,“
banat ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Bulletin | RTVM

Leave a Reply