Local News

Hakbang ni DU30, Insulto sa Demokrasya ng Bansa, ayon kay US Senator Durbin

Matapos maglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-ban ang mga Amerikanong Senador na nagsulong ng resolusyon upang pigilan makatungtong sa Estados Unidos ang mga Filipino Government Officials na responsable sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima, bumuwelta naman si US Senator Richard Durbin. Si Durbin ay isa sa mga senador na nagsulong ng nasabing resolusyon.

Kinontra ni Durbin ang hiwalay na kautusan ni Pangulong Duterte na dapat kumuha muna ng visa ang mga American citizens bago makapasok sa Pilipinas. Ang utos na ito ni Duterte ay kung sakaling ipatupad ng Estados Unidos ang ban sa mga FIlipino Government Officials.

“The Duterte administration should stop threatening the travel of these Filipino Americans and so many others who travel between our nations and instead release Senator de Lima or assure a quick and credible trial,” boladas ni US Senator Durbin.

Patutsada pa ni US Senator Durbin, pang-iinsulto daw sa Filipino-American Community at sa demokrasya ang hakbang ni Pangulong Duterte.

“(His) strong arm tactict is an insult to the Filipino American community and the country’s democracy,” patutsada pa ng Amerikanong Senador.

Para pa kay US Senator Durbin, si Senadora De Lima daw ay isang “human rights champion” at nakakulong lang dahil sa mga kwestiyonableng asunto.

“Her release, which has been championed by groups such as Amnesty International and now the US Congress is unfortunately the symbolic of the larger price one increasingly pays for peaceful dissent and honest journalism under President Duterte in the Philippines,” sabi pa ng pakialamerong senador.

Binutata naman ng Palasyo ang isyu tungkol sa Filipino-American citizens na inilutang ni Senator Durbin.

“As regards Sen. Durbin’s remark that this administration should stop threatening the travel of Filipino-Americans from the US to the Philippine territory, the same is likewise misplaced… Filipinos residing or sojourning in America, or our balikbayans, are not covered by our ultimatum should the US government pursue banning the entry of Filipino officials acting in accordance with the Philippine law apropos Sen. De Lima’s case,” resbak naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: GMA News | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén