Local News

‘Halang na kaluluwang Sisirain ang Isang Tao para Magmukhang Santo ang kanilang ini-idolo’ – Sec. Piñol

“I will prove that you are a bunch of liars!”

Inalmahan ni Department of Agriculture Manny Piñol ang ipinakakalat na na litrato ng mga kritiko ng administrasyon patungkol sa pakikipag-usap niya sa mga 22 mangingisda na nasangkot sa banggaan sa dagat. Ipinalalabas daw kasi na pinagagalitan niya ang mga Pilipinong mangingisda.

Sa kumakalat na litrato, makikita si Sec. Pinol na kinakausap si F/B GEM-VER cook Richard Blaza na may nakalagay na salitang “Pinagalitan” at katabi nito ang litrato ni Vice President Leni Robredo na kinakausap ang kapitan naman si Junel Insigne, kapitan ng GEM-VER, na may nakalagay naman na salitang “Pinakinggan”.

Hinamon ng kalihim ang nagkakalat ng black propaganda laban sa kanya na patunayan na pinagalitan niya nga si Blaza.

“I have a simple dare to those behind this despicable lie:

Kung may pruweba kayo at ebidensya na pinapagalitan o pinagalitan ko si Blaza samantalang nasa opisina ko sya, ilabas nyo.

I challenge the people behind the peddling of this brazen lie: Patunayan nyo na pinagalitan ko si Blaza. Kausapin nyo si Richard. Nandyan lang naman sya sa Occidental Mindoro.

Hingan nyo ng pormal na pahayag o affidavit para mapapatotohanan ang inyong paratang,” hamon ni Secretary Piñol.

Tinawag din ni Piñol na hangal ang kaluluwa ng naturang mga taong umiidolo kay Leni.

“Hindi ako makapaniwala na meron palang mga halang na kaluluwa na kayang sirain ang imahe ng isang tao para lang magmukhang Santo ang kanilang ini-idolo,” banat ni Piñol.

Source: DA Sec. Manny Piñol

Leave a Reply

Theme by Anders Norén