Local News

“Halatang walang alam sa batas! Nakakaawa kayo!” Newscaster, Sinupalpal si Coco Martin at Kim Chiu!

Sermon ang inabot nina Kapamilya Stars Coco Martin at Kim Chiu kay SMNI Newscaster Mike Abe matapos mag-viral ang video ng dalawa na pinagtatanggol ang ABS-CBN. Magugunita na noong ika-5 ng Mayo ay ipinag-utos ng National Telecommunication Commission (NTC) na huminto ang Kapamilya network sa pag-eere.

“Ito pa lang ibang artistang ‘pag walang script, suntok sa buwan ang sinasabi. Naaawa ako sa mga artistang nagsasalita ng walang script. Ang layo ng sinasabi. Halatang-halatang walang alam sa batas. Hindi inaaral ang batas,” sabi ni Abe.

Ilang araw lang ang nakararaan ay kumalat ang video ni Coco na naghuhurumintado dahil sa pagpapahinto ng gobyerno sa broadcast ng ABS-CBN.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo, kahit patayin mo pa ako… Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” boladas ni Coco.

Kinastigo din ni Abe ang ginawang paghahamon ni Coco sa mga bashers ng ABS-CBN.

“Si Cardo Dalisay, aba ay bumanat ng bumanat sa social media. Naghahamon at makikipagbasagan daw ng mukha. Kawawa itong batang ito. Aba ay hindi alam ang sinasabi. Dalawang grupo na ang nagpunta ng ABS-CBN at hina-hunting na siya. Alam mo ‘yung mga walang trabaho na biktima ng covid-19, aasarin mo pa, papatulan ka talaga ng mga iyan… Kasi ‘yung mga sinasabi mong makikipagbasagan ka ng mukha, makikipagpatayan ka ‘pag inaapi ang pamilya mo. Wala naman nang-aapi sa’yo,” saad pa ng broadcaster.

Hindi rin pinalampas ni Abe ang mga magulong boladas ni Chiu.

“Mayroon pang isa, ‘yung na-ambush diyan sa katipunan avenue, na sabi ng iba ay fake daw ang ambush, si Kim Chiu. Naku! Ano ba ang mga pinagsasabi nun. Hindi ko rin maintindihan. Classroom, classroom daw. Ano ba iyon? Ang alam ko, graduta siya ng Pinoy Big Brother University,” buwelta ni Abe.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: