Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Hamon ni DU30 kay Leni, Malaking Kabobohan” – De Lima

Nagpatutsada na naman ang nakakulong na mambabatas na si Senadora Leila De Lima laban sa Duterte Administration. Ayon kay De Lima, ang patuloy na paghahamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo ay isa sa mga pinakabobong ginagawa ngayon ng admnistrasyon.

Para kay De Lima, nais lamang ipahiya ni Pangulong Duterte si Leni sa pag-aalok na gawin itong drug czar. Magiging daan din daw ito para sisihin si Leni sa palpak na kampanya ng pamahalaan kontra sa ipinagbabawal na gamot.

“President Duterte’s continuous dangling of the supposed ‘drug czar’ cabinet post for Vice President Leni Robredo is both the saddest and stupidest things this administration has churned out lately,” banat ni De Lima.

Ang isyu ng pag-aalok ni Pangulong Duterte kay Leni na maging “drug czar” at pangunahan ang kampanya kontra-droga ng gobyerno ay nag-ugat sa sinabi ni Leni sa isang panayam sa foreign media na palpak umano ang paglaban ng gobyerno sa droga at kailangan na itong ihinto.

Magugunita na ilan sa mga opisyal at ahensiya ng pamahalaan ay nagsalita laban sa naging komento ni Leni sa Reuters. Ilang araw ang lumipas matapos ang panayam ay tinanggi ni Leni na gusto niyang ipahinto ang drug war ng pamahalaan at mali lang daw ang headline ng mga news organizations.

“Kapag tiningnan mo iyong interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba iyong strategy na ginagamit. Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. ‘Di ba… ang gustong sabihin ng “tweak,” himasin, o ibahin nang kaunti,” pagpapalusot ni Robredo.

Nanindigan naman ang Reuters sa istorya na kanilang inilathala.

“Reuters fairly and accurately represented the statement of Philippine vice president Leni Robredo, and we stand by our story published on 23 October,” pahayag ni Tyler Thia, ang Communications Manager ng Asia Pacific Division ng Reuters.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén