Local News

Harassment ang Senate Hearing ng Nawawalang Estudyanteng Anakbyan, ayon kay Elago

Nitong unang bahagi ng Agosto ay nagsagawa ang senado ng pagdinig patungkol sa mga estudyanteng nawawala matapos umanong sumapi sa leftist group na Anakbayan. Ang senate hearing ay pinangunahan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa. Sa nasabing pagdinig, nagsalita ang mga magulang ng mga estudyante at idinetalye kung paano nagbago ang ugali ng kani-kanilang mga anak nang simulang mapabilang sa Anakbayan.

Hindi naman nagustuhan ni Kabataan Partylist ang naging takbo ng pagdinig. Ayon kay Elago, ang layunin daw ng senate hearing ay para usigin ang mga leftist groups.

“Intent ng hearing ay ma-harass itong mga organizations na ito na ni isang beses ‘di naman mentioned sa resolution, pero sa hearing meron silang particular orgs na hinahanap,” boladas ni Elago.

Itinuturing din ng kongresista na parte ng pag-atake sa kabataan ang naturang pagdinig.

“Halatang parte po ito ng tuloy-tuloy na pag-atake sa mga kabataan at mga atake sa eskwelahan,” sabi pa ni Elago.

Para pa kay Elago, ang tunay daw na layunin ng pagdinig ay upang papasukin ang mga kapulisan sa mga eskwelahan.

“Nakita rin yung tunay na hangarin ay i-pressure ang mga schools na papasukin ang mga ito, na baguhin ang mga existing na kasunduan at makapasok yung mga pulis at military sa mga campuses,” dagdag pa ni Elago.

Magugunita na binanggit ni Senator Dela Rosa na dapat ay may koordinasyon ang mga opisyal ng eskwelahan at mga alagad ng bata para hindi magtagumpay ang panghihikayat ng mga makakaliwa sa loob ng paaralan.

“Kung beyond your control ‘yung outside of your premises, sana within your control ang inside ng premises… MPD (Manila Police District), dapat dagdagan niyo ang patrol sa loob para mabubulabog ang nagre-recruit sa loob (ng Polytechnic University of the Philippines),” sabi ni Senator Dela Rosa.

Sa nasabing pagdinig ay hindi nakadalo si Elago. Ang naging dahilan ni Elamgo ay “prior commitment” at “shor notice”.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: