Local News

Hayagan na! Kapatid ni Angel Locsin, naging NPA ayon kay Lt. General Parlade!

Ngayon araw ay naglabas ng pahayag ang aktres na si Angel Locsin para sabihin na hindi siya miyemrbo ng New People’s Army (NPA) at hindi rin kasapi ang mga kamag-anak niya sa nasabing grupo.

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group 😅. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger… sabi ni Locsin.

Pero sa ekslusibong panayam ng blogger na si Byron Cristobal kay Lt. General Antonio Parlade, tahasang sinabi ng army official na naging miyembro ng NPA ang kapatid ni Locsin.

“Si Ella na kapatid ni Angel Locsin ay aktibista rin iyon, nagsimula din ‘yun sa pagiging aktibista. Anong nangyari sa kanya? Ayun! Na-involve siya, naging Communist Party of the Philippines member siya, naging cadre siya ng CPP. Kaya siya na-nominate sa kabataan partylist, natalo nga lang siya (sa eleksyon) noong 2005. Hindi ka mano-nominate ng Kabataan partylist o ng Gabriela kung hindi ka CPP member,” pagsisiwalat ni Lt. General parlade.

“‘Yung sinasabi ni Angel na hindi terorista, of course, kasi nag above ground na siya uli. Recruiter na siya uli ng Gabriela natalo siya noong Kabataan partylist. Hindi niya pwede i-deny ‘yun. Marani tayong kaibigan na dating rebelde na nakasama niya na nagsasabi kung saan sila kumilos,” dagdag pa ni Lt. General Parlade.

Ayon pa kay Lt. General parlade, humawak daw ng armas ang kapatid ni Loscin.

Source: Banat By

Leave a Reply

Theme by Anders Norén