Local News

“Hepe ng Pulis na Pumatay kay Kian, Hepe din ng Pulis na Pumatay sa Aide ni Atty. Chong! Nagkataon lang ba?” – Jay Sonza

Sa social media post ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza, natanong nito kung nagkataon lang ba na ang hepe ng mga pulis na nakapatay kay Kian Delo Santos noon ay siya ring Hepe ng mga pulis na nakapatay sa bodyguard/aide ni Attorney Glenn Chong na si Richard Santillan sa Rizal. Ang tinutukoy niya ay si Highway Patrol Group Chief Roberto Fajardo.

Sa hiwalay pang post, sinabi naman ni Sonza na kababayan nila opposition Senator Leila De Lima at Vice President Leni Robredo si Fajardo.

Halos parehas ang tinutumbok ng post ng isa pang mamamahayag na si Jojo Robles.

Si Fajardo ay pansamantalang ni-relieved sa puwesto noon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa dahil sa command responsibility sa pagkamatay ni Kian. Naitilaga muli si Fajardo sa kapulisan bilang hepe ng Highway Patrol Group noong Hunyo 2018.

Ito po ang ulat ng mainstream media sa nangyari kay Santillan na may kalakip na actual video footage ng pamamaril.

Ito naman po ang reaksyon ng mga tao sa social media post ni Sonza.

Source: Jay Sonza | Jay Sonza 2 | Jojo Robles | GMA | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén