Local News

Hero Doctor na Nagsiwalat tungkol sa Coronavirus, Namatay!

Pumanaw na ang doktor na si Li Wenliang. Si Li ay isa sa mga nagbabala patungkol sa pagkalat ng coronavirus. Magugunita noong Disyembre 2019, nag-post si Li sa medical school alumni group sa pamamagitan ng messaging app WeChat patungkol sa 7 pasyente na may sakit na hinalintulad niya sa SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome). Ayon kay Li, ang mga pasyente ay naka-quarantine sa ospital sa Wuhan.

Ang pagpanaw ni Li ay kinumpirma ng opsital kung saan siya naka-admit.

“Our hospital’s ophthalmologist Li Wenliang was unfortunately infected with coronavirus during his work in the fight against the coronavirus epidemic… He died at 2:58 am on Feb 7 after attempts to resuscitate were unsuccessful.” sabi ng ospital.

Dahil sa nangyari sa doktor, bumuhos ang pakikiramay sa social media site ng China.

Base sa tla noong Pebrero 6, pumalo na sa 28,275 ang kumpirmadong kao ng coronavirus. Karamihan sa mga ito ay sa China. Umakyat nmana na sa 565 ang nasasawi dahil sa karamdaman. Ang sakit ay kumalat na sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.

Para malabanan ang pagkalat ng sakit, ilang bansa na ang nagpatupad ng travel ban, isa na dito ang Pilipinas. Ayon sa ating pamahalaan, lahat ng dayuhan na manggagaling sa Tsina ay pansamantalang hindi papayagang makapasok sa Pilipinas. Hindi sakop ng travel ban ang mga Pilipino.

“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas… Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina… Magkakaroon tayo ng temporary ban banning the entry of any person except Filipino citizens and holders of permanent resident visa issued by the Philippine government directly coming from China and its special administrative regions… Kung ibang bansa naman ang pinanggalingan mo pero nanggaling ka sa China within 14 days before arrival at hindi ka Pilipino o Philippine resident, hindi ka makakapasok sa Pilipinas,” sabi ni Senador Bong Go.

Source: CNN |

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: