Local News

High-Pressure Water Gun laban sa Illegal Vendor Organizers?

“Mga organizers, ito ang para sa inyo,”

Sa Facebook live video ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso, ipinakita ng alkalde kung paano nililinis ng otoridad ang monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Maynila.

Mapapanood sa video na ginagamitan ng power washer o high-pressurized spray/gun ang bantayog ng bayani para maalis ng husto ang mga “libag” nito.

“Tanggal ang libag. Hilod. Ito ang literal na Paligo ng Maynila,” banat ni Mayor Isko.

Personal din na sinubukan ni Mayor Isko ang high-pressure spray at makikita na napabuwelo pa ang alkalde dahil sa lakas ng pressure.

Mapapanood kung paano naging itim ang tubig matapos itong i-spray sa maduming parte ng bantayog ni Bonifacio. Nakita din sa video ang pagbabago ng kulay sa bahagi ng monumento na nalinis gamit ang power washer.

Nitong mga nagdaang linggo naging laman ng balita at social media si Mayor Isko dahil sa paglilinis niya sa lungsod ng Maynila. Isinailalim niya sa clearing operations ang mga kalsadang pinamumugaran ng mga illegal vendors na nagbebenta sa gitna ng kalye. May hinuli din ang mga tauhan ni Mayor na organizer na nangongotong sa mga vendors sa Recto, Divisoria.

Nilinaw ng alkalde sa isang panayam na hindi siya laban sa mga mahihirap. Laban daw siya sa mga organizers na nananamantala sa mga mahihirap na vendors.

“It’s not true that I am anti-poor. The vendors, at least the legal ones, were not removed but transferred to other areas… Anti-organizer ako. Kasi walang pinagkaiba ‘yun sa criminal. Ginagatasan ang mahihirap,” sabi ni Mayor Isko sa isang panayam.

Pinaliwanag din ni Mayor Isko ang balanseng pamamalakad niya sa gobyerno.

“I am balancing to run the government without depriving anyone. I want to respond to the problem in the most efficient, appropriate and economic manner,” sabi ni Mayor Isko sa isang panayam.

Source: ABS-CBN | Manila Bulletin | Isko Moreno FB Page | Manila Standard | Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén