Local News

Higit 100 Mag-aaral sa Negros Oriental, Na-Ospital Dahil sa Ininom na Libreng Gatas?

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Education Region 7 kung ang ipinamigay nga bang libreng gatas sa mga mag-aaral sa Negros Oriental ang naging sanhi ng pagkakasakit at pagsugod sa ospital ng mga batang uminom nito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, dadalhin umano ang mga samples ng ipinamahaging gatas sa laboratoryo upang masuri. Ang pamimigay ng nasabing mga “bottled fresh milk” ay bilang bahagi umano ng “Nationwide Milk Feeding Program”.

Sa mga bata sa Barangay Nagbinlod at Alangilan sa bayan ng Sta. Catalina umano ipinamigay ang mga nasabing gatas, na itinuturing umanong “malnourished” at “undernourished”.

Pananakit ng tiyan, pagsusuka at pananakit ng kalamnan umano ang naranasan ng mga batang isinugod sa ospital. Samantala, 25 na bata na umano ang na-discharge.

Iimbestigahan na umano ng Negros Oriental Provincial Police Office habang patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa supplier ng nasabing gats.

Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing balita.

Marami ang nag-alala at nakaramdam ng pangamba para sa kanilang mga anak.

Source: ABS-CBN News

Leave a Reply