Local News

Higit 60 OFWs na Engineers, Magbabalik sa Pinas para Tumulong ang Subway Project!

Magbabalik-bansa ang mahigit 60 na Overseas Filipino Workers na kasalukuyang nagtatrabaho sa railway projects sa Bahrain, Qatar at Denmark. Pumayag sila na tumulong at makibahagi sa pagbuo ng railway projects sa Pilipinas, partikular na ang Metro Manila Subway.

Ang balitang ito ay ibinahagi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade. Ayon umano sa mga Pilipinong inhinyero at technicians na nasa ibayong dagat, nais nilang mapalapit sa kani-kailang pamilya habang tumutulong sa mga proyekto ng gobyerno. Ang mga kababayan natin OFWs ay pumirma na raw ng application form, base sa pahayag ni Secretary TUgade.

“Pumirma ho sila ng mga application form. Basta maumpisahan lang yung subway project, given a reasonable time, they are ready to come back,” sabi ni Secretary Tugade.

Magugunita na nag ground breaking na ang Metro Manila Subway project noong Pebrero at inaasahang magsisimula ang paghukay sa huling bahagi ng taong ito.

Ang 36-kilometrong subway ay magmumula sa Valenzuela papuntang Ninoy Aquino Internatonal Airport sa Pasay. Tinatayang aabot lang sa 30 mimuto ang pagbiyahe mula sa Valenzuela hanggang Pasay kung matatapos ang proyekto.

Nais ng ating pamahalaan na mabuksan ang unang tatlong istasyon ng subway (Valenzuela, Tandang Sora, at North Avenue) bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang Metro Manila Subway ay kauna-unahang underground rail system sa bansa at isa sa mga flagship project ng Duterte Adinistration.

Ito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang ibinahagi ni Transportation Secretary Tugade.

“Kudos mga mgaling na Engineers. Ibalik sa bayang sinilangan ang abilidad. Ang taong marunong bumalik sa pinanggalingan pinagpala lalo at malayo ang mararating..God bless…” sabi ni M. Catilo

“kung totoo yan ngayon pa lang nagpapasalamat na kaming kababayan nyo ng maraming salamat po mga engineers ng bansang pilipinas,” sabi ni R. Francisco.

“I hope this will really happen. Instead of building up other countries, help build our country now,” sabi ni E. Guanio.

Source:ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply