Local News

Hihiram Tayo ng Lakas sa Taumbayan – Kiko

Sa pagdiriwang ng ika-74 anibersaryo ng Liberal Party, sinabi ni Senador Francisco “Kiko” Pangilinan na maghihiram ang grupo nila ng lakas ng loob mula sa taumbayan.

“Sa ating ika-74 na anibersaryo, hihiram tayo ng lakas ng loob sa taumbayan, na siyang may hawak ng tunay na kapangyarihan. Dahil sa larangan ng pamumuno at pamamahala, walang ibang pwersa ang hihigit pa sa taumbayang nagkakaisa, naninindigan at kumikilos,” boladas ni Pangilinan.

Magugunita na noong 2019 elections ay walang nanalo kahit isa sa Otso Diretso, ang pambato ng oposisyon sa senatorial race. Karamihan sa miyembro ng Otso Diretso ay kilalang personalidad sa Liberal Party tulad nina Mar Roxas, Bam Aquino, Erin Tañada at Samira Gutoc. Ang Otso Diretso ay inindorso ni VIce President Leni Robredo na miyembro din ng Partido Liberal.

Basahin ang ilang reaksyon at tugon ng mga kababayan natin sa pinagsasabi ni Senador Pangilinan sa comment section ng News5 image post.

” Kung yan pala ang pinaniniwalaan mo bakit di mo matanggap na nagkakaisa ang sambayanang pilipino sa pagsuporta sa ating mahal na pangulo imbes na tumulong ka sa pag ayus ng ating bansa eh ikaw pa ang isa sa mga pumipigil nito,” sabi ni J. Decena.

“Wag na po umasa dahil natuto na ang nakararami hindi pa basapat yong walang nakalusot don sa otso deretcho na LP? Baguhin nyo na ang lumang style nyo dina makukuha sa kalsahan yan people power ?malabo na uling mangyari yan ilang bisis ng sinubukan kaisa pa mga kaparian may nang yari ba ? ibig sabihin mas maganda ngayon magpasunod ang pangulo kay sa dati kuha nyo?” sabi ni M. Saliva.

“True 👍🏻… sa lahat ng sinabi mo dyan ako sobrang agree… kaya nga sobrang taas pa din ng popularity ni PRRD kasi nagkakaisa, naninindigan at kumikilos ang pwersa ng mga taumbayan para suportahan ang mahal nating Pangulo ❤️…. kaya sana naman makipag tulungan na lang kayo,” sabi ni R. Rodriguez.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén