Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Hina-harass nila ang nasa likod ni ‘Bikoy’ – Trillanes

Sa isang panayam sa radyo, umangal si Senador Antonio Trillanes sa pagkilos ng Natonal Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) para matunton ang mga tao sa likod ng mapanirang online video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”, kung saan isang alyas “Bikoy” ang nagbintang sa mga kapamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot daw sa droga. Para kay Trillanes, sana man lang ay inimbistigahan ng otoridad ang mga alegasyon ni Bikoy.

“Ni hindi man lang nagpanggap na nag-conduct sila ng investigation, bagkus ang hina-harass ngayon ’yung mga taong nasa likod daw ni Bikoy,” boladas ni Trillanes.

Hindi din daw labag sa batas ang pagpapakalat ng katotohanan.

“Ano’ng krimen nu’ng mga tao na ’yun kung totoo ang alegasyon. Hindi krimen ang pagkalat ng katotohan pero kasalanan ’yung pagpigil ng katotohanan,” dagdag pa ni Trillanes.

Kamakailan lang ay nahuli ng NBI si Rodel Jayme na web developer ng Matrobalita.net, isa sa mga unang site na nagpakalat ng Bikoy videos.

Base sa mga Facebook conversations na narekober ng DOJ sa account ni Jayme, planado daw ang libelous attacks laban sa gobyerno.

Magugunitang ilan sa mga akusasyon ni Bikoy ay napatunayang peke. Isang rural bank ang nagsalita laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” sabi sa pahayag ng RBGI.

Ang alkalde din sa Maguindanao na si Mayor Datu Zamzamin ay umalma nang isinama ang kanyang pirma sa dokumentong ipinagyayabang ni Bikoy.

Source: ABS-CBN | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén