Local News

‘Hinahamon ko ang ABS-CBN at GMA Superstars na Ipagtanggol ang Maliliit na Manggagawa’ – Robin Padilla

Kabi-kabila ang pagsasalita ng ilang personalidad sa showbiz para suportahan ang ABS-CBN na ngayon ay nahaharap sa posibleng pagsasara dahil sa nakaambang pakapaso o pagpapakansela ng prangkisa nito.

Hindi tuloy naiwasan ng aktor na si Robin Padilla na maglabas ng kanyang opinyon tungkol sa ginagawa ng mga kasamahan niya sa industriya. Ayon sa aktor, hinahamon niya ang mga kasamahan niya sa showbiz na ipagtanggol din ang mga malilit na manggagawa bago ipagtanggol ang kumpanyang pinagtatrabahuan.

“Para sa mga superstar ng abscbn at gma hinahamon ko kayo humarap ng live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na wag mawalan ng trabaho… Gusto niyo pala itama ang mali abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang sueldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?” sabi ni Padilla sa kanyang social media account.

Ikinumpara din ni Padilla ang kalagayan ng mga maliliit na empleyado laban sa tinatamasa ng mga malalaking personalidad sa showbiz. Gusto din ng aktor na mapatunayan ng mga “top talents” na inaalala nga ng mga ito ang kapakanan ng lahat ng nagtatrabaho sa industriya nila.

“Yun mga tao sa tent niyo at portalet buwan hanggang taon yan na kasama ninyo depende sa haba ng show niyo natanong niyo man lang ba kung sub contract ba sila ng regular employee ng abscbn at kung may overtime pay ba sila? Ilan ang laborer at sub contract ng regular employees ng abscbn? Sino sino? Yun pagkain parehas ba kayo ng kinakain ng mga crew? Tama ba sa sustansya? Ipaglaban ninyo ang agreement ng DOLE at ng FDCP sa mga network nyo at kapag nakuha niyo yun para sa mga taong nagpapakahirap talaga na kasama ninyo kahit umulan o umaraw magpuyatan man o hindi tsaka niyo ipaglaban ang sinasabi ninyong karapatan ng isang multi billion na kumpanya,” ani Padilla.

Nilinaw ni Padilla na hindi siya tutol sa pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Sana daw ay magmait ang pagkakataon na ito para maituwid ang estado ng pagtatrabaho sa media.

“We have to be real this is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainment industry magpagamit muna kayo sa mahihirap sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman… Anytime ako anywhere ilabas natin mga contract natin let us compare our salaries to our kapamilya co workers at isama niyo na mga kapuso at mga kapatid. Magpalabasan na tayo para makita ng publiko let us give it to them tutal napakadrama ninyo gawin na nating teleserye punuin natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag uusapan sa korte at congress. Hindi lahat sa mundo ay Showbiz at Politics one way or the other the revolution of the people has to be realized,” dagdag pa ng aktor.

Source: Robin Padilla

Leave a Reply

Theme by Anders Norén