Local News

“Hindi Ako Bully” Bagitong Partylist Congressman na Nanapak ng Waiter, Nag-sorry!

Kumalat ng husto sa social media ang closed-circuit television (CCTV) footage ng astang pananakit ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos sa waiter na si Christian Kent Alejo.

Mapapanood sa viral video ang na nakaupo sa lamesa ang apat na lalaki, kabilang dito ang kongresista. Ilang sandali pa ay nilapitan ito ng waiter at matapos ang ilang segundo ay nagpakawala ng upak si Delo Santos. Swerteng naka-ilag naman ang waiter.

Base sa panig ni Delos Santos, tumingin daw ng masama ang biktima at bumulong-bulong nang sabihan niya ito na ayusin ang lamesa nila.

Ngayong Huwbes ay agad humingi ng dispensa ang kongresista sa inasal nito.

“Ako ay tao lamang… Hindi po ako bully. Hindi po ako troublemaker. Iyan po ang ipinapangako ko po sa inyo. Hindi ako astig, siga o sanggano. The people who know me well can attest to that. But it doesn’t mean I can’t get angry when I’m insulted or demeaned. Tao lang po ako eh,” sabi ni Congressman Delos Santos sa panayam niya sa DZMM.

“Kahit ano pong nangyari, alam ko pong mali ako and nawalan ako ng temper so inaamin ko na mali po ako at humihingi po ako ng paumanhin… Gusto ko lang mag-apologize lalo na sa iyo at sa iyong pamilya sa ginawa ko, sa sambayanang Pilipino, pasensiya na po at na-fail ko po yung sarili ko bilang public servant. I have no excuse only regret,” dagdag pa ng kongresista.

Base sa ilang mga ulat, tinungo na raw ni Delos Santos si Alejo sa tahanan nito para magpaumanhin at tinanggap naman daw ng biktima ang paghingi ng dispensa ng kongresista.

Sabi ni Delos Santos, humihingi siya ng pagkakataon sa kanyang partylist pero handa din daw siya sa magiging pasya ng kanyang samahan.

Panoorin ang kaugnay na report tungkol sa isyu.

Source: ABS-CBN | Peter Encisa | ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén