Local News

“Hindi ako Clown!” Vice Ganda, May Pinariringgan?

“Hindi ako clown. I’m a comedian at may kilala akong cown. I’m a comedian, you’re the clown,”

Ganito ang boladas ng komedyanteng si Vice Ganda matapos magkomento si Presidential Spokseperson Harry Roque tungkol sa pagkumpara niya sa bakuna at sa sabong panlaba. Magugunita na nagpahapyaw si Vice na dapat maging choosy ang mga Pilipino sa pagdating sa bakuna.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo eh, sa bakuna pa kaya. Ano ito basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!” patutsada ni Vice.

Ang komentong ito ni Vice ay agad sinopla ni Roque at sinabing mas dapat maniwala ang mga Pilipino sa eskperto imbes na sa mga komedyante.

“Mali namang ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba. Wala namang supply na ganung kadami.

Kung hindi pagtitiwalaan ang mga experts, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing pwede nating gamitin iyan, sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po, hindi mga komedyante,” resbak ni Roque.

Source: One News | PCOO | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén