Local News

“Hindi Ako Dilawan!” Lacson, Todo-tanggi na Ka-alyado siya ng LP!

Hindi gusto ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na mai-ugnay sa anumang partido.

Magugunita na itinanggi ni Lacson ang alegasyon na siya ay “dilawan” o alyado ng nakaraang administrasyon. Ito ay matapos sabihin ng isang netizen na “naninilaw” na ang senador matapos nitong banatan si Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I’m neither yellow nor whatever. Hindi ba pwedeng sa tama lang regardless of political color? Kaya lagi tayong bigo because of that old line of thinking. For a change, let’s think of what is right for country and people,” boladas ni Lacson.

Matatandaan na pinuna ni Lacson si Roque nang sabihan ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga kritiko ng Duterte Administration na “manigas”. Ayon kay Lacson, ang sinabi ni Roque ay arogante at ignorante.

“Manigas kayong lahat! Arrogance and ignorance do not only rhyme. They are roommates in one brain cell.” patutsada ni Lacson.

Nitong mga nakaraang mga linggo ay naging madalas ang pagpuna ni Lacson sa kilos ng Duterte Administration. Isa sa mga masugid niyang pinuna noon ay ang vaccination program ng gobyerno.

Source: Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: