Local News

‘Hindi ako Kuntento sa Tugon ng Gobyerno sa Kalamidad’ Leni, Bumoladas sa Disaster Response ng Pamahalaan

Sa kaniyang panayam sa ABS-CBN, tahasang sinabi ni Vice President Leni Robredo an hindi siya kuntento sa pagtugon ng national government sa mga nakaraang kalamidad.

“Hindi (ako kuntento). Noong gabi ng Friday, ito na ang maraming problema sa Cagayan at marami ng distress calls. Para sa akin, hindi na kailangan si Pangulo ang gumawa noon, pero at the very least mayroon sana isang government oficial na assigned sa disaster mangement,” boladas ni Robredo.

Banat din ni Robredo, hindi siya nakikipagkumpitensiya sa Presidente dahil nasa Pangulo daw ang buong kapangyarihan ng pamahalaan.

“Bakit ako makikipag-kumpetisyon sa Pangulo? Ang burokrasya ay nasa kaniya. ‘Yung lahat ng kapangyarihan ng gobyerno nasa kaniya. Ang lahat ng resources ng gobyerno ay nasa kaniya,” dagdag pa ni Robredo.

Magugunita na pinaliguan ng banat ni Pangulong rodrigo Roa Duterte si Robredo dahil sa diumano’y pagpapabibo nito sa gitna ng relief and rescue operation ng gobyerno. Ayon sa Presidente, tila pinalalabas daw ni Leni na ito ang nagmamando sa ddisaster response ng pamahalaan.

“Yung pakana niya na wala ako noong bagyo, I was here. I was attending an Asean summit… You do not give orders on the day of the battle. You go and tell your soldiers and to take their position so that when the enemies come they should be able to respond appropriately. That is the analogy. Hindi ka magbigay ng order, where is… when the storm is raging, wala ka nang order maibigay. Sometimes the lines are cut. Ano pa bang ibigay mo na order diyan? It’s too late… While you were making calls, alam mo yung mga military hindi naman maniwala sa iyo, because tama sila you are not in the line of authority… So next time, do not commit the mistake or I’ll be forced to insult you because you are playing too much — nagpapa — nagpapa-ano ka, pagpa-beauty ka ng ano. It’s not the time for you. During the campaign… Paalis na ako. Sige, subukan mo,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: ABS-CBN | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén