Local News

‘Hindi Ako NPA!’ Angel Locsin, Bumoladas sa Pahayag ni Lt. Gen. Parlade!

Sa isang social media post, pinasaringan ni Lt. General Antonio Parlade si Angel Locsin patungkol sa isang ka Ella Colmenares.na kasapi daw ng New People’s Army (NPA). Ayon sa army official, hindi daw sasabihin ni Locsin sa kapwa aktres na si Liza Soberano ang tungkol kay ka Ella.

“Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” ani Lt. General Parlade.

Hindi naman matanggap ni Locsin ang naging pahayag na ito ng heneral. Sa kanyang social media account ay mariin niyang itinanggi na miyembro siya ng NPA.

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group 😅. Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Consitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger…

Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging,” patutsada ni Locsin.

Magugunita na sa pahayag ni Lt. General Parlade, wala itong sinabi na NPA si Angel. Ang pamangkin ni Angel na si Neri COlmenares ay dating kngresista ng makakaliwang grupong Bayan Muna.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén