Local News

‘Hindi ako NPA’ Sarah Elago, Itinanggi na Terorista siya!

Sa isang social media post, itinanggi ni Kabataan Representative Sara Elago na hindi siya miyembro ng rebeldeng komunista na New eople’s Army (NPA). Pinangalandakan pa niya na siya daw ay halal ng bayan. Hindi daw siya magiging tagapagsalita ng kasalukuyang gobyerno.

“Hindi ako NPA o parte ng terrorist org. I am a duly elected youth partylist representativeāœŠ@KabataanPL is entrusted with a mandate to raise the voices of the marginalized and underrepresented, and not to be a mere mouthpiece of a ruling regimešŸ’‹” boladas ni Elago.

Sinabi ito ni Elago matapos ibunyag ni Lt. Geneal Antonio Parlade na naging kasapi ng NPA ang kapatid ni Angel Locsin.

“Si Ella na kapatid ni Angel Locsin ay aktibista rin iyon, nagsimula din ‘yun sa pagiging aktibista. Anong nangyari sa kanya? Ayun! Na-involve siya, naging Communist Party of the Philippines member siya, naging cadre siya ng CPP. Kaya siya na-nominate sa kabataan partylist, natalo nga lang siya (sa eleksyon) noong 2005. Hindi ka mano-nominate ng Kabataan partylist o ng Gabriela kung hindi ka CPP member… ‘Yung sinasabi ni Angel na hindi terorista, of course, kasi nag above ground na siya uli. Recruiter na siya uli ng Gabriela natalo siya noong Kabataan partylist. Hindi niya pwede i-deny ‘yun. Marani tayong kaibigan na dating rebelde na nakasama niya na nagsasabi kung saan sila kumilos,” dagdag pa ni Lt. General Parlade.

Si Elago ay nakibahagi sa pagtatanghal ng mga makakaliwang grupo. Sa isang bahagi ng nasabing pagtatanghal, itinampok ang mga New People’s Army (NPA).

Source: Sarah Elago | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén