Local News

Hindi Babalik sa Normal Hangga’t Walang Bakuna sa COVID-19 ayon sa Malacañang!

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, asahan na daw na hindi babalik sa normal ang lahat hangga’t walang nagagawang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (covid-19). Ayon pa kay Spoklesperson Roque, ang ipinatutupad na general community quarantine na daw ang magiging bagong normal sa mga panahon ngayon dahil sa naging malawakang epekto ng pagkalat ng sakit.

“We are no longer back to normal as we know it po. The GCQ is already that, it is the new normal. For as long as there is still no vaccine, we cannot go back to normal as we know it,” sabi ni Spox Roque.

Nitong ika-24 ng Abril ay inilabas ang pasya na papalawigin pa ang community quarantine sa ilang lugar sa luzon hanggang sa gitna ng Mayo. Habang ang mga “low-risk” areas ay mas magiging relax ang quarantine.

“We are just giving a chance to local economies in places under the GCQ to somehow start again, but normal, as we know it, we won’t be able to go back to that,” ani Spox Roque.

Matatandaang nag-anunsyo ng P10 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga makakagawa ng bakuna laban sa covid-19. Kalaunan ay itinaas niya pa ito sa P50 million.

“And by the way, ‘yung 10 million ko na sa ating mga scientists dito sa Pilipinas, ‘yung mga doctor, mga ano natin — the bright Filipinos who are there working day and night trying to find out how to combat COVID, I’m raising the bounty to 50 million. Fifty million ho ang ibigay ko sa grupo because it is a collegial thing, hindi naman sa isang tao, ah 50 million. Baka ‘pag sa ligaya ko, another 50 million… Kayong mga bata, you have to put the money into good use. Basta ako ngayon 50 million ako kung ang Pilipino makakuha ng… You know, ‘yung alam ng Amerikano, ‘yung mga puti, ‘yung sa Europe, alam rin ng Pilipino ‘yan. So pabilisan lang ‘yan,” ani Pangulong Duterte.

Source: Philstar | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: