Local News

Hindi Binayarang P1.6 BILLION na Utang ng Lopez sa Government Bank, Kakalkalin na ng Kongreso!

Ayon sa radio host at Manila Bulletin columnist RJ Nieto aka Thinking Pinoy, naghain ng mosyon si Rep. Claudine “Dendee” Bautista sa kongreso para busisiin ang utang ng pamilya lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP).

“(The committee should determine if ABS-CBN and the Lopez companies) unjustly benefited from the loans condoned by the DBP to the prejudice of this government… It is only reasonable and prudent on our side in Congress… to look into the legitimacy of the activities of its major stockholders and its affiliated companies because these entities are the ones in control of the company,” sabi ni Congresswoman Bautista.

Base sa isang artikulo mula sa Inquirer, hindi binayaran ng mga Lopez ang mga nasabing utang. Narito po ang breakdown ng P1.6 billion utang ng mga Lopez sa DBP at kung saan nila ginamit ito.

Magugunita na ilang beses na itong inungkat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilan niyang pahayag.

“The Lopez Group of Companies never paid a single centavo. It was condoned by the government. Who condoned it? Who authorized it? I really do not know. But maybe one of these days, I’ll start to dig… Why do you have to give away money to people who are rich? Tapos mag-publish ng mga newspaper with all their protestations and all their grievances for the poor and for…It’s hypocrisy… Lopez Group of Companies. Pagkatapos ni Marcos, they borrowed money sa DBP. Kaya ang DBP gumanun eh. Ang tagal na-rehabilitate, humina,” sabi ni Pangulong Duterte noong 2019.

Noong 2018 naman ay nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan ang Lopez group of companies ng economic sabotage.

“If it’s not economic sabotage, what is it? Uminit ang ulo ko. That’s economic sabotage and I would like remind you that’s non-bailable,” saad ni Pangulong Duterte noong 2018 naman.

Source: RJ Nieto | Inquirer | ABS-CBN | Manila Bulletin | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: