Local News

“Hindi CHR ang Ahensiya mo” Leni, Nakatikim ng Banat sa Int’l Trader!

Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang hamon at alok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni RObredo na maging bahagi sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagtatalaga dito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Magugunita na ang pwesto ay tinanggap na ni Robredo at may gusto itong pagbabago na gawin kaugnay sa kampanya kontra-droga. Isa dito ay ang walang patayan na dapat mangyari sa ma anti-drug operations.

Hindi tuloy pinalampas ng ilang kababayan natin ang mga boladas ni Robredo. Isa sa pumuna sa bise presidente ay ang international trader at pro-administration blogger na si MJ Quiambao Reyes. Banat ni Reyes, kay Robredp, hindi COmmission on HUman Rights (CHR) ang ahensiya na pinamumunuan ni RObredo kundi isang anti-drug committee. Dapat din daw mauna ang kapakanan ng mga taong sumusunod sa batas.

“MADAM TSAR,

Huwag mo po sanang kalimutan: ICAD, hindi CHR ang pinamumunuan mo. Mas pangalagaan mo po at mas itaguyod pa ang kapakanan ng mas nakararaming law abiding citizens–over & above the drug players’ human rights & their protectors’ business interests.

Bilang isang Drug Czar at dahil malakas ka naman sa local at foreign media at matindi ang koneksyon mo sa UN, EU, at US–

Sa halip na ipilit mo ang panghihimasok ng UN sa ating bansa, bakit di mo po gamitin ang impluwensya mo para ibahagi sa UN, EU, US at ipalabas sa mga kachokaran mo’ng local at foreign press ang ilan sa mga magagandang pangyayari at totoong impormasyon ukol sa war on drugs,” sabi ni Reyes.

Binida ni Reyes ang mga magagandang naganap nang simulan ang anti-drug campaign ng gobyerno. Tulad na lang ng pagsuko ng lagpas milyon na mga durugista na buhay pa hanggang ngayon.

Ipinaalala din ni Reyes kay Robredo na tinutulungan ng gobyerno ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot na makabalik sa noramal na pamumuhay.

Source: MJ Quiambao Reyes

Leave a Reply

Theme by Anders Norén